SENIOR CITIZENS MONITORING BOARD, APRUBADO SA KALIBO

 


SENIOR CITIZENS MONITORING BOARD, APRUBADO SA KALIBO


Aprubado na sa Sangguniang Bayan (SB) ng Kalibo ang isinusulong na Municipal ordinance na "Kalibo Senior Citizens Monitoring Board".

Ito ang kinumpirma ni Kalibo SB member Augusto Tolentino sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Aniya, ang naturang monitoring board ang mangangasiwa at magmo-monitor sa pagpapatupad ng iba't ibang programa at plano para sa mga senior citizen sa nasabing bayan.

Kasama rin aniya sa babantayan nito ay ang pagsunod ng bawat barangay sa 0.05% na annual budget na nakalaan sa mga aktibidad, programa at proyekto para sa mga senior citizen.

Sa kabila nito, ipinaabot din ni Tolentino na ang mga senior citizens sa bayan ng Kalibo na walang SSS/GSIS ay makakatanggap ng medical assistance na nagkakahalaga ng P4,000 kung sakaling magkasakit at ma-ospital ang mga ito.

Habang nasa P5,000 naman ang matatanggap ng mga indigent seniors na walang SSS/GSIS para sa death assistance.

Gayunpaman, tiniyak din ng opisyal na patuloy nitong isusulong ang mga programa at benepisyo para sa mga senior citizens sa bayan ng Kalibo. /Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog