UNANG TRAILER NG 'THE EXORCIST: BELIEVER", INILABAS NA




UNANG TRAILER NG 'THE EXORCIST: BELIEVER", INILABAS NA

‘HUMANDA NANG MATAKOT SA KAKAIBANG EXPERIENCE NG ISANG DEMONIC POSSESSION’

Inilabas na ng Universal Pictures ang unang trailer sa “The Exorcist: Believer” nitong Miyerkules, Hulyo 26.

Makikita sa trailer ang pagkawala ng dalawang batang babae sa kakahuyan at nang makabalik sa kanilang pamilya ay dito unti-unting nasaksihan ang pag-iiba ng kanilang personalidad na animo’y sinasapian.

Ang “The Exorcist: Believer” ay karugtong ng 1973 film tungkol sa isang 12-anyos na batang babae na sinapian ng isang misteryosong masamang nilalang at pumilit sa kanyang ina na humingi ng tulong sa dalawang pari upang iligtas siya.

Nakatakda namang ipapalabas sa mga sinehan ang naturang horror film sa Oktubre 13, 2023. /SAM ZAULDA

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog