BAGYONG EGAY, NILUBOG SA BAHA ANG MGA APEKTADONG LUGAR SA HILAGANG LUZON

 

BAGYONG EGAY, NILUBOG SA BAHA ANG MGA APEKTADONG LUGAR SA HILAGANG LUZON

Ni Sam Zaulda

Sunod-sunod ang panawagan ng tulong ng mga residenteng na-trapped sa kani-kanilang bahay sa may hilagang bahagi ng Luzon dahil sa bagyong Egay.

Sa ilang post ng Philippine Weather System/Pacific Storm Update, nakasaad rito ang pangangailangan ng rescue ng ilang mga residente sanhi ng pagtaas ng libel ng tubig-baha kagabi sa patuloy na pananalasa ng bagyong Egay sa hilagang bahagi ng Luzon.

Ilan sa kanila ay na-trap sa kani-kanilang mga bahay at napapalibutan ng tubig habang ang ilan naman ay nasa itaas na ng kanilang mga bubong.

Nito lang umaga, batay sa ibinahaging mga larawan ng isang netizen, halos lubog na sa tubig-baha ang mga kabahayan sa Sta. Rosa, Abulug, Cagayan at tanging mga bubong na lamang ang makikita rito.

Bagama’t inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang nasabing bagyo ngayong tanghali, may isa pang LPA ang patuloy na binabantayan sa silangan ng Mindanao.

Kung saan, ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), ang nasabing LPA ay mas lalo pang lumakas at isa nang ganap na bagyo.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog