COMELEC, PLANONG I-UPGRADE ANG VOTER IDENTIFICATION SYSTEM


 


COMELEC, PLANONG I-UPGRADE ANG VOTER IDENTIFICATION SYSTEM

  

Plano ng Commission on Elections na paghusayin ang voter identification system sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagong teknolohiya tulad ng facial at voice recognition maging iris scanner.

 

Sa isang pahayag ni Comelec Chairman George Garcia, binigyan diin nito ang pangangailangan para sa pangkalahatang pagpaparehistro na aniya ay tutugon sa pproblema ng double at multiple registrations.

 

Nanawagan din ito sa Kongreso na isaalang-alang ang pagsasagawa ng general registration na mahalagang magpapawalang-bisa sa kasalukuyang pambansang listahan ng mga botante at lumikha ng bagong database.

 

Matatandaan na una nang sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na aabot sa 457,899 voter registration ang tinanggal o binura sa listahan.

 

Samantala, ang mungkahing para sa identification system ng Comelec ay tinatayang aabot sa P12 bilyon. /Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog