TWITTER, LILIMITAHAN ANG BILANG NG MABABASANG TWEETS NG MGA USERS

 


TWITTER, LILIMITAHAN ANG BILANG NG MABABASANG TWEETS NG MGA USERS

Ni Rio Trayco

 

Maglalagay ng limit ang social media platform na Twitter sa bilang ng tweets na maaring mabasa sa isang araw ng mga users nito.

Sa anunsyo ng may-ari nitong si Elon Musk, paraan ito para mabawasan ang pagmamanipula ng sistema sa platform.

Nasa 10,000 na post ang limit na mababasa ng mga verified accounts, habang ang mga unverified naman ay 1,000 posts kada araw at ang unverified ay nilimitahan sa 500.

Kasabay nito sinabi rin ni Musk na hindi na maaring maka-view ng content ang mga walang account sa nasabing social media platform na parte ng “temporary emergency measure.”

Ang mga hakbang na ito ay ginawa ng pamunuan ng Twitter matapos magkaproblema sa pag-access ng kanilang account ang libo-libong users noong Sabado.

Isinisi ng Twitter ang insidente sa OpenAI na may-ari ng ChatGPT dahil sa paggamit nito ng kanilang data para sa kanilang language models.

Matatandaang may ilang mga advertisers ang umalis sa Twitter matapos itong bilhin ng Tech Billionaire na si Musk dahilan na puspusan ang pag-aayos nito sa platform para makahikayat ng mga bagong advertisers.

 

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog