KASO NG HIV SA MGA KABATAAN, PINABIBIGYAN NG
ATENSYON NI PBBM
Ni Jurry Lie Vicente
Inatasan ni Pres. Ferdinand Marcos Jr., si Health Secretary
Ted Herbosa na tutukan at solusyunan ang kaso ng human immunodeficiency virus
(HIV) sa mga kabataan.
Ayon kay Herbosa, inihayag ng World Health Organization na
isa ang Pilipinas sa mga bansa na may mataas na kaso ng HIV.
Nitong Marso, ang Epidemiology Bureau of the Department of
Health (DOH) ay nakapagtala ng 2,078 na mga bagong kaso ng HIV kung saan 132
dito ang nasa edad 19-anyos.
Batay sa HIV/AIDS Registry of the Philippines, mas mataas
ng 35% ang kabuuang kaso na naitala nitong Marso kumpara noong March 2022.
Nabatid na ang HIV ay isang impeksyon na umaatake sa immune
system.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
👉Mabibili
Sa Lahat Ng Branch Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa
Inyong Lugar
Maaari ring umorder thru shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208
0 Comments