PERFORMANCE BONUS NG MGA GURO, IPINASIGURONG MAIBIBIGAY NGAYONG TAON
Ni Teresa Iguid
Ipinasiguro ni Budget and Management Secretary Amenah
Pangandaman ang agarang pagpapalabas ng pondo para sa performance-based bonus
(PBB) ng mga guro sa bansa, partikular sa mga nakapagsumite na ng
kinakailangang mga dokumento.
Ayon kay Pangandaman, kinikilala ng kagawaran ang malaking
kontribusyon ng mga guro sa bansa, kung kaya’t sinisikap nilang mailabas ang
performance-based bonus (PBB), sa pakikipag-ugnayan sa Department of Education
(DepEd).
Matatandaan na nuong Hunyo 27, naglabas na ang DBM NCR sa
DepEd ng Special Allotment Release Order at Notice of Cash Allocation na
nagkakahalaga ng P950,942,317 upang mabayaran ang 2021 performance-based bonus
ng mga eligible na school-based personnel ng DepEd NCR Office.
Samantala, naghihintay na lamang sa ngayon ang DBM na
mai-submit ng 15 na rehiyon ang kanilang nirebisang Form 1.0.
0 Comments