SIGNAL NO.4,
ITINAAS NA SA ILANG LUGAR SA BANSA KASUNOD NG SUPER TYPHOON EGAY
Ni Teresa
Iguid
Napanatili
ng super typhoon Egay ang lakas habang kumikilos pa-Hilagang Luzon.
Batay sa
pinakahuling ulat ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 270 km silangan ng
Tuguegarao City na may lakas ng hanging aabot sa 185 km/h malapit sa gitna,
bugso na hanggang 230 km/h at kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis lang na
15 km/h.
Sa ngayon,
nakataas na ang signal no. 4 sa northeastern portion ng mainland Cagayan,
signal number 3 sa Babuyan Islands, hilaga at silangang bahagi ng mainland
Cagayan, hilagangsilangang bahagi ng Isabela, at hilagang bahagi ng Apayao.
Itinaas
naman ang signal number 2 sa Batanes, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan,
nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya,
nalalabing bahagi ng Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, hilagang
bahagi ng Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, hilaga at gitnang bahagi ng
Aurora.
Samantala
signal no. 1 naman sa La Union, Pangasinan, nalalanbing bahagi ng Benguet,
nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Aurora, Zambales,
Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Laguna,
Cavite, Batangas, Quezon, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur,
Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Island, at Ticao Island.
Ang
bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili
sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and
Wellness Center sa Refindor’s Building Osmeña Ave. Kalibo, Aklan.
Maaari
ring umorder thru shopee
https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For
More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments