MENOR DE EDAD, PATAY SA LANDSLIDE SA BAGUIO CITY
Ni Ninel Luis Del Pilar
Patay ang isang
16-anyos na binata sa Baguio City matapos matabunan ng lupa mula sa landslide
kasabay ng ulan at hangin dala ng Super Typhoon Egay,= nitong Hulyo 26, 2023.
Ayon sa Baguio City Public Information Office na-trap ng
landslide sa kaniyang kuwarto ang binatilyo bandang alas-10:30 ng umaga at
idineklarang dead on arrival sa ospital.
Nasagip naman ng mga awtoridad ang magulang ng biktima. edad
59 at 48, na kapwa dinala rin sa ospital.
Via ABS CBN NEWS
0 Comments