IKA-14 NA BYAHE NI PBBM SA LABAS NG BANSA, NAKATAKDA MATAPOS ANG IKALAWANG SONA


 

IKA-14 NA BYAHE NI PBBM SA LABAS NG BANSA, NAKATAKDA MATAPOS ANG IKALAWANG SONA

  

Nakatakdang tumulak patungong Malaysia si Pang. Ferdinand Marcos, Jr. pagkatapos ng naging ikalawang State of the Nation Address.

 

Nabatid na ito ay matapos na maimbitahan ang Pangulo kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos ng hari ng Malaysia para sa state visit mula July 25-27.

 

Kaugnay dito, nakatakda rin na makipagkita si Marcos sa hari at punong ministro ng Malaysia upang isulong ang kooperasyon ng 2 bansa.

 

Sa nasabing state visit makakasama rin nito sina Finance Sec. Benjamin Diokno at ilan pang myembro ng gabinete at economic team.

 

Samantala, mababatid na ito na ang ika-14 na byahe ng pangulo sa ibang bansa simula nang maupo bilang halal na pangulo ng Pilipinas. /Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog