DAGDAG NA MODERNONG TEKNOLOHIYA PARA SA MAS MAAYOS NA SERBISYO, BALAK ISAGAWA SA MGA TANGGAPAN NG LGU KALIBO

 


DAGDAG NA MODERNONG TEKNOLOHIYA PARA SA MAS MAAYOS NA SERBISYO, BALAK ISAGAWA SA MGA TANGGAPAN NG LGU KALIBO

 

Plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kalibo na madagdagan ang modernong teknolohiya at mas mapaunlad ang serbisyo sa mga tanggapan ng nasabing bayan.

Dahil dito, nagsagawa ng Onsite Visit at Assessment ang Quantus Solutions and Consultancy, Inc. upang mapag-aralan ilang mga bagay na pwedeng gawin upang maisakatuparan ang nais na pag-upgrade ng nasabing LGU.

Mababatid na ilan sa mga balak na mabigyan ng modernisasyon ay ang mga sistema sa pag-implementa ng Online Business Registration BOSS, Document Management System, HR Information System, DRRMO Incident Management at Citizen Database.

Samantala itong hakbang ay naglalayong makapagbigay ng mas maganda at maayos na serbisyo sa mga pumupunta sa iba’t-ibang ahensya ng LGU. /Ni Teresa Iguid

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog