PRESYO NG GULAY TUMAAS DAHIL EPEKTO NG ULAN






PRESYO NG GULAY TUMAAS DAHIL EPEKTO NG ULAN

Ni Rio Trayco

Malaki ang itinaas sa presyo ng gulay lalong-lalo na ang mga highland farm produce dahil sa epekto ng dumaang tropical depression na si Dodong na sinabayan ng southwest monsoon o ‘habagat’.

Ayon sa datos na inilabas ng Department of Agriculture nitong July 17, tumaas ng P80 ang kada kilo ng carrots na nasa P260 na mula sa P180 noong nakaraang linggo.

Umakyat din ng P10 ang kada kilo ng patatas mula sa P130 ay nasa P140 na ito ngayon.

Maliban dito bahagya ring gumalaw ang presyo ng mga gulay sa mga pamilihan kabilang na ang repolyo na nasa P160 per kilo; Baguio beans, P120; pechay Baguio, P140; ampalaya, P120; sitaw, P150; pechay Tagalog, P100; kalabasa, P60; talong, P110 at kamatis, P95 per kilo.

Ang sibuyas naman ay nasa 200 ang retail price sa mga pampublikong tindahan pero posibleng mas mababa o mataas sa ilang lugar sa bansa.



Post a Comment

0 Comments

Search This Blog