Isang incoming Grade 5 student sa Olongapo City ang nag-uwi ng gold medal sa 2023 Copernicus International Math Olympiad na ginanap kamakailan sa Columbia University sa New York, USA.
Itinanghal na kampeon ang 10 taong gulang na si Francis Deinme Legaspi matapos nitong talunin ang mahigit 100 finalists mula sa 22 bansa.
Ang Copernicus International Math Olympiad ay isang kompetisyon para sa mga napiling mag-aaral mula Grade 3 hanggang Grade 12, na magpapaligsahan sa kategoryang mathematics at astronomy.
Samantala, si Legaspi ay kasalukuyan ngayong nag-aaral sa Special Education Center for the Gifted sa Subic.
Una na itong nag-uwi ng gintong medalya sa Hong Kong International Math Olympiad, Thailand International Math Olympiad, Southeast Asia Math Olympiad, Philippine International Math Olympiad at World International Math Olympiad.
Ni Ma Joy Reyes
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmeña Ave. Kalibo, Aklan.


For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments