DSWD 6, NAGHIHINTAY PA NG SPECIFIC GUIDELINES SA PAG-IMPLEMENTA NG FOOD STAMP PROGRAM SA REHIYON
Ni John Ronald Guarin
Hinihintay pa ng Department of Social Welfare and Development
(DSWD) 6 ang specific guidelines sa pag-implementa ng food stamp program ng
gobyerno.
Ayon kay DSWD 6 information officer Atty. May Rago-Castillo,
nalaman nilang isa ang field office 6 sa mga pilot area ng program at iimplementahin
ito kasama ang protective service division ngunit wala pang detalye kung sino
ang magiging benepisyaryo rito.
Sa ilalim ng nasabing programa, mamamahagi ang DSWD ng electronic
benefit transfer (EBT) cards kung saan maglalagay sila ng food credits na nagkakahalaga
ng ₱3000
kada buwan para makabili ang benepisyaryo ng iilang food commodities sa DSWD registered/accredited
retailers.
Layunin ng food stamp program
na mabigyan ng allowance ang mga mahihirap na pamilya na sumusuweldo ng ₱8000
pababa kada buwan.
Dagdag pa ni Atty. Castillo,
habang wala pang specific guidelines, patuloy pa rin ang kanilang Pantawid
Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
0 Comments