PRESYO
NG BIGAS, MAS LALO PANG TATAAS
Ikinababahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibleng pagsirit sa presyo ng bigas matapos ang labis na iniwang pinsala sa agrikultura ng bagyong Egay.
Sa isang ulat, ipinahayag ni Pangulong Marcos na hihingi ito ng supply deal sa India upang palakasin ang suplay ng bigas sa bansa sa paparating na El Niño.
Kinakailangan aniyang simulan na ang pag-aangkat ng bigas lalo na’t nagsasara na ang ibang bansa sa Southeast Asia bilang paghahanda sa paparating na El Niño.
Bagama’t nakapag-angkat man ang Pilipinas, hindi pa rin imposible ang pagsirit sa presyo ng bigas lalo na’t umabot sa mahigit P1 bilyon ang naging pinsala ng bagyong Egay sa agrikultura.
Samantala, tuloy pa rin ang pagpapaabot ng tulong
ng gobyerno sa mga lalawigang naapektuhan ng bagyo kabilang na ang pagbibigay
ng palay, mais at high-value crops seedlings ng Department of Agriculture sa
mga magsasaka. /
0 Comments