PRESIDENTE NG EUROPEAN COMMISSION, BIBISITA SA PILIPINAS


 

PRESIDENTE NG EUROPEAN COMMISSION, BIBISITA SA PILIPINAS


Nakatakdang bibisita sa Pilipinas bukas, Hulyo 31 hanggang Agosto 1 ang Presidente ng European Commission na si Ursula von der Leyen.

Si Leyen ang kauna-unahang Presidente ng European Commission na bibisita sa bansa sa loob ng 60 taong dekada ng diplomatic relations.

Napag-alaman na inimbitahan ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. si Leyen nang magkita ang mga ito sa EU-ASEAN Commemorative Summit noong Disyembre 2022 na isinagawa sa Brussels.

Layunin ng pagbisita nito na palakasin ang EU-Philippines bilateral relations at pag-usapan ang tungkol sa pakikipagkalakalan, green and digital transition at seguridad.

Samantala, pag-uusapan din ng dalawang lider ang tungkol sa iba pang mga isyu kasama na ang Global Gateway. /Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog