FORENSIC AUTOPSY AT POST-MORTEM EXAMINATION SA NATAGPUANG BANGKAY NG NAAGNAS NA LALAKI, ISASAGAWA NGAYONG ARAW; 4 NA PERSON OF INTEREST SA KASO, HAWAK NA NG MGA OTORIDAD

 

 


FORENSIC AUTOPSY AT POST-MORTEM EXAMINATION SA NATAGPUANG BANGKAY NG NAAGNAS NA LALAKI, ISASAGAWA NGAYONG ARAW; 4 NA PERSON OF INTEREST SA KASO, HAWAK NA NG MGA OTORIDAD

 

Nakatakdang isailalim sa Forensic Autopsy at Post-Mortem Examination ngayong araw ang natugpuang bangkay ng 81-anyos na lalaki sa Sitio Saeag, Brgy. Cortes, Balete.

Ito ang sinabi ni PMAJ Bryan Alamo, sa panayam ng Radyo Bandera News Team, matapos na makitaan ng ilang pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Ricarte Perez Tuberiadez.

Layon rin nitong hakbang na matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng lalaki makaraang ihayag ng pamilya na kumbinsido ang mga itong may foul play ang pagkamatay ng kanilang ama.

Kaugnay dito, sinabi rin ni Alamo na inimbitahan na nila sa kanilang tanggapan ang apat na person of interest na posibleng may kinalaman sa nasabing kaso.

Una dito, inihayag rin ng pamilya ng biktima ang posibilidad ng pagnanakaw bilang motibo dahil sa perang hawak ni Tuberiadez na kakabenta lamang ng lupa at alaga nitong baka.

Nabatid din sa hepe na isa sa kanilang hawak na mga person of interest ay mayroong kaso ng pagnanakaw sa kanilang lugar, na patuloy naman aniyang iimbestigahan ng mga otoridad.

Matatandaan na una nang naiulat na missing ang nasabing lalaki noong July 17 habang positibo naman na kinumpirma ng pamilya na ito ang nakitang bangkay matapos ang mahigit isang linggong paghahanap.

Samantala ipinasiguro naman ng Balete PNP na mabibigyan ng hustisya ang pamilya ng natagpuan na naagnas na bangkay ni Tuberiadez. /Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog