NAWAWALANG 81-ANYOS NA LOLO, NATAGPUANG NASA STATE OF DECOMPOSITION



NAWAWALANG 81-ANYOS NA LOLO, NATAGPUANG NASA STATE OF DECOMPOSITION


Nasa state of decomposition na nang matagpuan ang nawawalang 81-anyos na lolo sa Sitio Saeag, Brgy. Cortes, Balete, Aklan.

Ito ang kinumpirma ni PMAJ Bryan Alamo, COP ng Balete PNP, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Batay sa ulat, natagpuan ang bangkay sa mabangin na lugar na may di kalayuan sa Brgy. Roads ng nasabing barangay.

Nakilala ng pamilya ang biktima sa pamamagitan ng nakitang damit at tsinelas malapit sa kinaroroonan ng bangkay nito.

Sinasabing natagpuan ito sa ilalim ng bangin na nakahiga, walang suot na damit, naagnas na at tanging bungo na lamang ang natira sa ulo ng biktima.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng biktima kung kaya’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Kaugnay nito, nakatakda ring isailim sa forensic autopsy examination at post-mortem examination ang mga labi nito upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay.

Umaapela naman si PMAJ Alamo sa publiko na makipagtulungan sa pagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad para malutas ang naturang kaso.

Matatandaang, naiulat na nawawala si Ricarte Perez Tuberiadez simula pa noong July 16 matapos itong hindi nakauwi sa kanyang bahay. /Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog