PINOY BOY GROUP NA HORI7ON, NAKA-DEBUT NA SA SOUTH KOREA
Ni John Ronald Guarin
Opisyal nang naka-debut ang
Pinoy boy group na HORI7ON sa South Korea nitong July 24 kasabay ng paglalabas
ng kanilang unang album na “Friend-Ship.”
Ang mga miyembro na sina Vinci,
Kim, Kyler, Reyster, Winston, Jeromy at Marcus ang naging final lineup sa naganap
na Philippines-Korea survival audition program na “Dream Maker.”
Kabilang ang naturang boy
group sa MLD Entertainment, isang agency kung saan nag-umpisa ang K-pop girl
group na Lapillus at ang kakahiwalay lang na MOMOLAND.
Ang kanilang unang album ay may
kabuuang 21 na mga kanta na gawa ng mga prominenteng music producers sa Korean
Pop industry.
Una silang nakapag-perform sa
music show na “M Countdown” kung saan pinerform nila ang kanilang debut song na
“SIX7TEEN.”
0 Comments