PANIBAGONG TROPICAL DEPRESSION NAGBABADYANG PUMASOK SA PAR

 


PANIBAGONG TROPICAL DEPRESSION NAGBABADYANG PUMASOK SA PAR

 

Isa nang tropical depression ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA). 

Sa ulat ng PAGASA ang tropical depression ay huling nakita 1,585 kilometers east ng Eastern Visayas at posibleng pumasok sa PAR sa Sabado ng gabi o sa Linggo ng umaga. 

Sa oras naman na nakapasok na ito sa PAR ay tatawagin naman itong “Falcon.” 

Ang tropical depression ay mayroong maximum sustained winds ona f 55 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at gustiness hanggang 70 kph.

Posible itong kumilo sa direksyong north-northwestward o northwestward sa susunod na 36 oras, o pa-north o northwest patungong eastern boundary ng PAR sa Sabado. 

Samantala, possible namang lumabas ito ng PAR sa araw ng Lunes ng hapon o sa Martes ng umaga. /Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog