AKLAN, NAKAGAWA NG MARITIME SAFETY APP

Photo Courtesy from Jonell Gregorio/ASU-Banga Information Officer

 

AKLAN, NAKAGAWA NG MARITIME SAFETY APP

 

Nakabuo ng isang mobile application ang grupong mula sa Aklan State University upang paghusayin ang seguridad, sistema at serbisyo ng mga sasakyang pandagat.

Pinangunahan ni Prof. Julie Ann Salido ang grupo sa naturang proyekto, kasama ang ilan pang miyembro nito na sina Engr. Abraham A. Porcal, Dr. Ma. Fe Popes, Prof. Mary Ann Martirez, Miguel Von Oquendo, Kirk Hilario, at Zyrel Oquendo.

Tinatawag na “project SEAWAVeS o Sea-condition Emergency Alert and Warning Apparatus for Vessels Safety” ang naturang proyekto na pinondohan ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD). 

Bago ipinakita ang final version ng app nitong Hunyo, nagsagawa muna ang grupo ni Salido ng isang pilot test ng mobile application para sa pagkuha ng mga datos sa mga small crafts sa isla ng Boracay. 

Ayon kay Salido, nasa 100% accomplished na ang kanilang proyekto kung kaya’t nakahanda na itong ipatupad at maaari na itong gamitin ng mga kaugnay na ahensya at local government units.

Ani pa ni Salido, sa pamamagitan ng kanilang mobile app, maaari ng makapag-isyu ng mga abiso ang Philippine Coast Guards ukol sa kondisyon ng karagatan upang matiyak ang kaligtasan ng boat operations pati na ang sea sports sa parehong turista at ng publiko. 

Samantala, nakatakda namang ilulunsad ang mobile app ngayong taon sa Boracay at Guimaras. /Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog