‘PHILIPPINE SPACE WEEK’, IDINEKLARA SA AGOSTO 8 HANGGANG 14


 

‘PHILIPPINE SPACE WEEK’, IDINEKLARA SA AGOSTO 8 HANGGANG 14

 

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Proclamation No. 302 na nagdedeklara sa Agosto 8 hanggang 14 bilang “Philippine Space Week”.

 

Ang naturang proklamasyon ay naglalayong mai-promote sa mga Pilipino ang space awareness.

 

Nakasaad sa proklamasyon ang kahalagahan ng deklarasyon na mai-highlight ang malaking impluwensya ng space science at technology applications sa socio-economic development ng bansa.

 

Dahil dito, nagbigay ng direktiba ang pangulo sa Philippine Space Agency (PhilSA) na i-promote ang Philippine Space Week sa pamamagitan ng pagbuo ng mga programa, proyekto at aktibidad para sa taunang pagdiriwang.

 

Mandato ding lumahok ang lahat ng ahensya sa gobyerno, kabilang na ang government-owned o -controlled corporations, state universities at colleges, local government units (LGUs), non-government organizations at pribadong sektor para sa “Philippine Space Week”. /Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog