MTRCB, PINAGPAPALIWANAG ANG “IT’S SHOWTIME”

 


MTRCB, PINAGPAPALIWANAG ANG “IT’S SHOWTIME”

 

Nag-isyu ng Notice to Appear at Testify sa Producers ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa noontime variety show na “It’s Showtime”. 

Ito’y sa kabila ng ilang mga reklamong natatanggap ng MTRCB ukol sa eksenang diumano’y hindi kaaya-aya sa paningin ng mga manonood kina Vice Ganda at Ion Perez sa segment na “Isip Bata” nitong Hulyo 25, 2023. 

Pahayag ng MTRCB na lumabag ang naturang eksena sa Section 3 (c) Presidential Decree No. 1986. 

Nakatakda namang gagawin ngayong araw ang paglilitis sa opisina ng MTRCB. 

Matatandaang nauna nang ipinatawag ni Rendon Labrador ang atensyon ng MTRCB ukol sa umano’y “indecent acts” nina Vice at Ion sa harap ng mga bata. /Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog