DATING US INTELLIGENCE OFFICER, IGINIIT NA TOTOO ANG ALIENS AT UFO

 


DATING US INTELLIGENCE OFFICER, IGINIIT NA TOTOO ANG ALIENS AT UFO

Iginiit ng dating US intelligence officer na si David Grusch, na totoo na may aliens at UFO o tinatawag ngayon na “unidentified anomalous phenomena (UAP). 

Mababatid na sa naganap na congressional committee sa United States nitong July 26, sinabi nito na tinatago umano ng mga otoridad sa US ang ebidensya kaugnay sa mga 'unidentified anomalous phenomena' o UAPs na terminong ipinalit sa UFO. 

Aniya pa may mga tao siyang nakausap nang personal ukol dito na nagbigay pa raw ng mga litrato, official documentation at testimonya. 

Kasunod naman ng mga isiniwalat nito ay nanawagan  ito sa US government na maging transparent dahil umano sa posibleng banta sa seguridad ng US ang naturang UFO. 

Samantala pinangangambahan naman ng US authorities ang posibilidad na ang 'aerial surveillance technology' na gamit ng China upang mangalap ng intelligence sa mga depensa ng US, ang sinasabing UAPs. /Ni Teresa Iguid

 

 


 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog