PANGAKO NI PBBM NA P20/KLO NA PRESYO NG BIGAS, IMPOSIBLE- BAYAN- AKLAN




PANGAKO NI PBBM NA P20/KLO NA PRESYO NG BIGAS, IMPOSIBLE - BAYAN-AKLAN



Naniniwala ang Bagong Alyansang Makabayan na mananatiling malabong maisakatuparan ang pangako ni Presidente Ferdinand Marcos Jr., na P20 na presyo ng kada kilo ng bigas sa bansa.


Ayon kay Kim Tugna, hangga’t walang malinaw na programa ang gobyerno upang matulungan ang mga magsasaka na mapataas ang agricultural product sa bansa ay mananatili pa rin itong imposible.


Aniya, hindi rason ang pabago-bagong panahon para ipagpaliban ang tugon sa problemang kinakaharap sa agrikultura.


Gayundin ang importation sa tuwing nahaharap sa food security o natural calamities ang bansa.


Sa ginagawa aniyang madalas na pag-import, unit-unti nitong pinapatay ang kabuhayan ng mga magsasaka na napipilitang ibenta sa mas mababang halaga ang per kilo ng produkto na hindi manlang naibabalik ang kapital nito.


Isa rin aniya sa dapat na tutukan ng gobyerno ay ang systema ng edukasyon sa bansa at sikaping maging makamasa, dekalidad at libre.


Ito ay upang hindi matambakan ng gastusin ang estudyante at mga nagpapa-aral dito bago makapagtapos.


Dumagdag pa aniya ang K12 program na isa rin sa mga dagdag gastos lamang dahil hindi rin sigurado ang mapapasukang trabaho pagkatapos nito.


Samantala, ipinunto rin nito ang kahalagahan ng sapat na trabahong mapapasukan ng mga ito upang maiwasan ang pangingibang bayan. /Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog