LALAKI, KRITIKAL SA OSPITAL MATAPOS SAKSAKIN NG BASAG NA BOTELYA SA LEEG
Kritikal ang kondisyon ng
isang lalaki matapos itong saksakin sa leeg ng binasag na botelya sa Sitio
Dueunan Brgy. Ochando, New Washington.
Kinilala ang mga biktima na
sina Mark Charnil Sioco, 30-anyos at kapatid nitong si Martil Sioco, 29 anyos
habang ang suspek ay si Rhett Jasper Andrade 31-anyos at parehong residente ng nabanggit
na lugar.
Batay sa New Washington PNP,
nag-iinuman umano ang magkapatid na Sioco kasama ang suspek nang magkaroon sila
ng hindi pagkakaintindihan.
Lumalabas sa imbestigasyon
na naghamon ng away si Andrade hanggang sa kumuha ito ng dalawang botelya at
binasag tsaka sinasaksak sa dalawang magkapatid.
Unang sinaksak ng suspek si
Martil na tumama sa likurang bahagi ng leeg nito habang sugatan din ang kanyang
kamay.
Pagkatapos, sunod nitong sinaksak
ang nakakatandang kapatid na si Charnil na nagresulta ng matinding sugat sa
leeg, gayundin sa braso, mukha at iba pang bahagi ng kanyang katawan.
Kaagad namang isinugod ang
mga biktima sa ospital upang mabigyan ng atensyong medikal.
Samantala, mahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek habang ito’y kasalukuyang naka-hospital arrest matapos umano itong mabugbog. /Ni Jurry Lie Vicente
0 Comments