PANAY 'MEGA' BRIDGES, KABILANG SA MGA PRAYORIDAD NA MATAPOS SA ILALIM NG “BUILD BETTER MORE” PROGRAM
Maisasakatuparan na ang proyektong tulay na magkokonekta sa Panay, Guimaras, at Negros matapos itong mapabilang sa P8.3-trillion “Build Better More” Program.
Ito ang isa sa mga nabanggit na ipaprayoridad ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Marcos, nasa 12 mga tulay na may kabuuang 90 kilometro ang nakatakdang itatayo upang kunektahin ang mga lugar at islang pinaghiwalay ng tubig.
Maliban sa Panay-Guimaras-Negros bridge, kasama rin sa pondo ang Bataan-Cavite Interlink Bridge at ang Samal Island-Davao City Connector Bridge.
Samantala, tinatayang na sa pagitan ng apat hanggang pitong kilometro ang haba ng itatayong tulay sa Panay-Guimaras na magsisimula sa Leganes, Iloilo at magtatapos sa Buenavista, Guimaras.
Habang, mag-uumpisa naman ang Guimaras-Negros bridge sa San Lorenzo, Guimaras at magtatapos sa Pulupandan, Negros Occidental kung saan ang haba nito ay sa pagitan ng lima hanggang 12 kilomentro. /Ni Sam Zaulda
0 Comments