KAUNA-UNAHANG HENERASYON NG IPHONE NA HINDI PA NABUBUKSAN, NAIBENTA SA MAHIGIT P10-MILLION SA AUCTION
Nabili na sa halagang $190,373 o mahigit P10-milyon ang kauna-unahang henerasyon ng iPhone na hindi pa nabubuksan matapos itong i-bid ng LCG Auctions.
Ayon sa isang ulat, 20 beses na bihira lang ang naturang 4GB iPhone unit na may original price na $499 o P27,000 kaysa sa 8GB na modelo nito na nasa $599 o P33,000 ang orihinal na presyo.
Sinasabing nahinto ang pagbenta nito dahil mas gusto ng mga user ang mas mataas na internal memory.
Mailalarawang isang “fantastic record-breaking sale” ang 4GB model ng iPhone lalo na't nalampasan nito ang mark na $190,000.
Magugunita noong Enero 9, 2007, ipinakilala ni Steve Jobs, dating co-founder ng Apple, ang iPhone sa buong mundo sa isang MacWorld conference sa San Francisco. /Ni Sam Zaulda
0 Comments