BAGONG HEPE NG MALAY PNP, KILALANIN


 

BAGONG HEPE NG MALAY PNP, KILALANIN


Itinalaga bilang bagong Chief of Police ng Malay Municipal Police Station si PLt. Col. Dainis Ortega Amuguis na taga Calapan, Oriental, Mindoro. 

Si Amuguis ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 2007.

Nadestino sa Special Action Force (SAF) sa loob ng anim (6) na taon.

Naging security officer ni dating PNP Chief General Allan Purisima.

Itinalaga rin si Amuguis sa Civil Security Group ng Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) sa loob ng apat (4) na taon, isang unit ng PNP na nagre-regulate ng mga guwardya, private security agencies, training school at lisensya.

Nagtapos din si Amuguis ng Juris Doctor sa Jose Rizal University sa Maynila.

Nadestino rin ito sa Regional Civil Security Unit sa MIMAROPA bilang officer in-charge na humahawak sa lisensya ng baril, permit ng minahan at iba pa.

Naging 1st Provincial Mobile Force Commnader sa 1st district ng Oriental Mindoro.

Itinalaga rin ito na budget officer ng Police Community Affairs and Development Group bilang budget officer ng PNP recruitment and selection service na nangangasiwa ng PNP recruitment, opisyal at mga kadete.

Nadestino rin ito sa Western Visayas Police Regional Office 6 bilang Asst., Chief ng Regional Controllership Division bago itinalagang Chief of Police ng Malay MPS. /Ni Jurry Lie Vicente

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog