NGCP, MAKIKIPAGTULUNGAN SA STATE GRID CORPORATION OF CHINA PARA SA SUPLAY NG KURYENTE SA BANSA

 


NGCP, MAKIKIPAGTULUNGAN SA STATE GRID CORPORATION OF CHINA PARA SA SUPLAY NG KURYENTE SA BANSA

 


Makikipagtulungan ang National Grid Corporation of the Philippines sa State Grid Corporation of China upang madagdagan ang renewable energy sa bansa.

 

Ayon kay Anthony Almeda, president at CEO ng NGCP, isang malaking tulong ang expertise ng SGCC sa renewable energy integration dahil makakaya nitong bigyan ng suplay ang NGCP lalo na’t lumalakas na ang adoption ng renewable energy technologies sa national grid.

 

Ani pa nito, prayoridad din ng NGCP na paunlarin ang disaster-resilience ng grid infrastructure gayundin ang pag-upgrade ng kanilang mga kagamitan at manpower upang maiwasan ang nangyayaring ‘disruptions’ lalo na sa panahon ng kalamidad.

 

Samantala, kabilang sa mga pinaprayoridad ng NGCP na makumpleto ang Mindanao-Visayas Interconnection Project at Stage 3 ng Cebu-Negros-Panay Interconnection Project. /Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog