MISA SA ILANG SIMBAHAN SA PAMPANGA, TULOY PA RIN SA KABILA NG PAGBAHA

 



"BAHA KA LANG, MANANAMPALATAYA KAMI"

 

Ito ang naging sambit ng ilang mga deboto ng Presentation of the Lord Parish sa Brgy. Batasan, Macabebe, Pampanga sa kabila ng pagbaha sa kanilang simbahan.

 

Makikita sa larawan na hindi alintana ng mga deboto ang pagsuong sa baha makadalo lang sa misa.

 

Maliban sa simbahan ay binaha rin ang ilang mga lugar tulad ng kanilang talipapa, paaralan pati na ang kanilang kalsada dulot ng walang tigil na ulan.

 

Ayon kay Joed Lacanlale, Parishioner ng Presentation of the Lord Parish, hindi dahilan ang masamang panahon upang itigil ang kanilang pananampalataya sa Diyos lalo na’t ito ang tamang panahon upang humingi ng tulong sa Kanya.

 

Habang sa homily ng pari, sinabi nito sa salitang Kapampangan na may dahilan pa rin para magpasalamat.

 

Sa kabila nito, inaasahan pa rin ang pag-ulan sa mga darating pang mga araw kung kaya’t posible ang pagtaas ng libel ng tubig sa mga nasabing lugar.

 

Samantala, idineklara namang state of calamity ang mga bayan sa Sa Simon at Macabebe dahil sa pinsalang dulot ng baha.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog