MOST PEOPLE PERFORMING IN DRUMS SA KALIBO ATI-ATIHAN 2024 CELEBRATION, PLANONG MAITALA SA GUINNESS WORLD RECORDS
Plano ngayon ng Sangguniang Bayan ng Kalibo na maitala sa Guinness World Records bilang Most People Performing in Drums ang isasagawang Kalibo Ati-Atihan Drumbeat ngayong 2024 celebration.
Ito ay matapos na mapansing marami nang mga banda ang nagpe-perform sa taunang selebrasyon ng Santo Niño Ati-Atihan Festival, sa nasabing bayan.
Dahil dito, sa pamamagitan ng Kalibo Tourism and Cultural Affairs Division isusulong ang pagnanais na gawing worldclass Ati-Atihan, ang nasabing okasyon.
Dito ay planong magkaroon ng performance ang mga banda na tutugtog ng iisang tunog, isang linggo bago sumapit ang weeklong celebration ng Kalibo Ati-Atihan Festival 2024.
Kaugnay dito ay inirekomenda naman ng mga miyembro na mas pag-usapan pa ang naturang plano upang maayos na maisakatuparan ito.
Samantala, mababatid na ang Guinness World Records ay ang official site na naglalaman ng mga record-breaking facts at achievements.
0 Comments