MISS WORLD 2023, ITINUTURING NA PINAKAMAYAMANG PAGEANT

 

Photo Courtesy: Missosology

MISS WORLD 2023, ITINUTURING NA PINAKAMAYAMANG PAGEANT

 

Magiging mainit ang labanan ng mga beauty queens sa ngayong taong Miss World 2023 dahil sa mga bonggang papremyo na inihanda nito.

 

Makakatanggap lang naman kasi ang tatanghaling panalo ng tumataginting na $1-million U.S dollars.

 

Bukod pa rito, gagawaran rin ng kontrata sa Hollywood ang mananalong Miss World 2023.

 

Gayundin, bibigyan rin ito ng isang wardrobe na naglalaman ng mga high-end luxury brands, world tour para sa charity at events, luxury flat sa Kensington (London), kontratang panghabang-buhay na career sa organisasyon ng Miss World, personal security, PR team, chauffeur at pagiging opisyal na miyembro ng UN Youth at UN Women. 


Samantala, nakatakdang gaganapin sa ika-9 ng Disyembre ngayong taon ang 71st edition ng Miss World 2023 sa bansang India kung saan pormal na ipapasa ni Miss World Karolina Bielawska ng Poland ang korona sa bagong mananalo./Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog