![]() |
Photo Courtesy | Mr. Arbie Samson |
MGA
BATANG PWD SA AKLAN, HINIHIKAYAT NA MAG-ARAL
Hinihikayat
ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang mga batang may kapansanan
sa probinsya ng Aklan na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Ito ang
inihayag ni Provincial PDAO Head Randy Anthony Rebaldo, sa panayam ng Radyo
Bandera Sweet FM Kalibo.
Aniya,
nagbibigay ang provincial government ng P3,000 hanggang P5,000 na financial
assistance para sa mga batang PWD sa probinsya.
Patuloy
din aniya ang suporta ng lokal na gobyerno sa mga PWD na humihingi ng tulong
medikal at assistive device sa kapitolyo.
Maliban
dito, meron ding scholarship program para sa mga PWD at maaaring mag-avail nito
ang mga batang nakapag-enroll sa mga paaralan.
Magsasagawa
rin aniya ng mga innovation ang lokal na pamahalaan upang palakasin ang mga PWD
sa probinsya.
Katunayan,
isinusulong aniya na mabigyan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ang mga
PWD upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Bukod dito,
kinokonsidera rin aniya ang pagkakaroon ng check-up sa mga batang may
kapansanan na walang kakayahang pumunta sa ibang lugar dahil sa kakulangan ng
pinansyal.
Samantala,
tiniyak din nito sa mga PWD na gagabayan at tutulungan ang mga ito sa kanilang
mga pangangailangan. /
0 Comments