KATHRYN
NA MAY HAWAK NA VAPE, NAGING USAP-USAPAN
Naispatan ng isang netizen ang “Asia’s Superstar” Kathryn Bernardo na umano’y may hawak na vape habang ito’y nasa labas ng gusali ng Filinvest City sa Alabang, Muntinlupa City.
Sa
isang ulat, trending na ang video ng aktres nang ito’y makunan ng isang netizen
na nagkataong nagtatrabaho sa nasabing lugar.
Inakala
ng uploader na flash drive ang hawak ni Kathryn, ngunit nang ito’y tignan isa
palang vape – nauusong “electronic cigarette” sa ngayong henerasyon.
Marami
naman sa mga netizen ang nadismaya sa nasaksihan nila sa aktres at kasalukuyang
kasintahan ni Daniel Padilla lalo na’t hindi ito ang nakasanayang imahe ni Kath
sa publiko.
Napa-react
naman ang komedyanteng si Ogie Diaz sa mga komento ng mga netizen dahil masyado
lamang itong pinalaki ng mga “OA” na netizen.
Pahayag
ni Diaz na kaya mayroong hawak na vape si Kathryn dahil nasa gitna umano ito ng
shooting para sa pelikulang ““A Very Good Girl” kung saan kabilang ito sa
ginagampanang karakter ng aktres.
Sinang-ayunan
naman ni showbiz columnist Cristy Fermin ang naging pahayag ng komedyante ukol
sa pagka-trend ng video ni Kathryn na may hawak na vape.
Samantala,
wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Kathryn tungkol dito. /
0 Comments