BABAE, HINATULAN NG KAMATAYAN SA SINGAPORE SA UNANG PAGKAKATAON

 


BABAE, HINATULAN NG KAMATAYAN SA SINGAPORE SA UNANG PAGKAKATAON


Kinumpirma ng mga opisyal sa Singapore na ito ang kanilang kauna-unahang pagkakataon na hinatulan ng kamatayan ang babae sa halos 20 taon.

Kamatayan ang naging parusa ng isang Singaporean national na si Saridewi Djamani, 45-anyos dahil sa pagkakasalang trafficking ng 30g (1.06oz) ng heroin noong 2018.

Si Djamani ang ikalawang drug convict na hahatulan ng kamatayan ngayong linggo matapos parusahan ang kapwa Singaporean Mohd Aziz bin Hussain noong Marso 2022.

Sa isang ulat, nagpahayag ng testimonya si Djaman sa kanyang paglilitis na nag-iimbak lamang umano ito ng heroin para sa personal na paggamit sa buwan ng pag-aayuno ng Islam ngunit inamin din nito ang paratang na nagbebenta sya ng heroine at methamphetamine.

Napag-alamang ang bansang Singapore ang may pinakamahigpit na batas kontra droga sa buong mundo kung saan papatawan ng death penalty ang sinumang mahulihan na nagbebenta ng mahigit 500 gramo ng cannabis o 15g ng heroin.

Dahil dito, pinuna ng British billionaire na si Sir Richard Branson ang Singapore sa paraan ng kanilang pagpataw ng parusa lalo na’t nanindigan itong ang death penalty ay hindi isang solusyon para mabawasan ang krimen.

Ani pa nito, ang mga small-scale drug traffickers ay nangangailangan din ng tulong dahil ilan sa mga ito ay biktima din ng pang-aapi dulot ng ilang suliranin.

Samantala, pinagtatalunan pa rin ito ng mga awtoridad na ang mahigpit na pagpapatupad ng naturang batas kontra sa ilegal na droga ay nagpapanatili sa Singapore bilang isa sa mga ligtas na lugar sa buong mundo. /Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog