MDRRMO KALIBO, MAY PAALALA RE: ACTIVE SHOOTING INCIDENTS


 

MDRRMO KALIBO, MAY PAALALA RE: ACTIVE SHOOTING INCIDENTS


Naging matagumpay ang isinagawang Active Shooting Demonstration ng lokal na pamahalaan ng Kalibo.

Ayon kay Mr. Terence June Toriano ng MDRRMO Kalibo, tatlong paraan ang maaaring gawin ng isang empleyado kapag mayroong Mass Shooting Incident sa lugar ng trabaho.

Aniya, tumingin sa palibot at pakiramdaman kung saan nanggaling ang putok dahil sa mismong lugar posibleng nanggagaling ang personang may kagagawan nito.

Dagdag pa ni Toriano, magtago, maglagay ng kahit anumang bagay na iharang sa pintuan ng opisina upang hindi makapasok ang suspek at lumaban kung kinakailangan.

Kaugnay nito, may itinakda na aniyang opisina at ahensya ng gobyerno na magbibigay ng aksyon sa mga ganitong uri ng insidente kasama na ang mga kagamitan na maaaring gamitin sa pagresponde. /Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog