MAGNA CARTA PARA SA MGA PWD, DAPAT SUNDIN - ATTY. JANMAR BARRIOS

 



MAGNA CARTA PARA SA MGA PWD, DAPAT SUNDIN - ATTY. JANMAR BARRIOS

 

Ni Jurry Lie Vicente

Binigyang diin ni Atty. Janmar Barrios na kailangang sundin ang Magna Carta para sa mga Persons with Disabilities (PWDs).

Ito ang inihayag ni Atty. Barrios sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo. 

Aniya, isa ito sa mga batas na kumikilala sa mga PWD kung saan ang mga may kapansanan ay bahagi ng kumunidad. 

Nakasaad aniya sa magna carta na mayroong 20% discounts ang mga PWD para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. 

Gayundin sa mga hotels, entertainment houses, pagbili ng mga gamot, hospital needs, medical at dental services. 

Ipinaliwanag din nito na dapat itong sundin dahil may kaakibat itong penalidad sa mga hindi sumusunod. 

Prayoridad din aniya ang mga ito maging sa pagsakay sa mga sasakyan. 

Nagpaalala rin ito na huwag abusuhin ang nasabing batas dahil maaaring balikan ka nito. 

Samantala, sinabi nito na huwag aniyang gamitin ang ID ng mga pamilyang PWD at irespeto ang karapatan ng mga ito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog