LGU KALIBO, BALAK MAGPATAYO NG MULTI-PURPOSE BUILDING PARA SA ILANG INDIBIDWAL NA MAY KAPANSANAN SA PAG-IISIP

 


LGU KALIBO, BALAK MAGPATAYO NG MULTI-PURPOSE BUILDING PARA SA ILANG INDIBIDWAL NA MAY KAPANSANAN SA PAG-IISIP

Ni Jurry Lie Vicente


Plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kalibo na magpatayo ng isang multi-purpose building para sa ilang indibidwal na may ‘mental disorder’ sa bayan ng Kalibo.


Ito ang kinumprima ni Kalibo Sangguniang Bayan (SB) Member Ronald Marte sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.


Aniya, ang naturang pasilidad ay pansamantalang paglalagyan ng mga indibidwal na may problema sa pag-iisip habang pinoproseso ang mga papeles nito kung nangangailangan sila ng atensyong medikal at dalhin sa Maynila o Iloilo.


Ilan aniya sa mga may problema sa pag-iisip ay namamasyal ng nakahubad kung kaya’t nararapat na may paglalagyan sa mga ito.


Sinabi rin nito na kukunin sa mga hindi nagagamit na pondo ng LGU ang budget na gagamitin para sa konstruksyon ng pasilidad.


Tinatayang aabot aniya sa limang milyong piso ang kinakailangang pondo para dito.


Samantala, minabuti aniya ng LGU na gawing multi-purpose building ang proyekto para malagyan ng iba pang opisina na maaaring magamit ng lokal na gobyerno.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog