TINGNAN | Mamangha sa iba’t ibang ganda ng mga kilalang
artista at beauty queens na kanya-kanyang rumampa sa GMA Gala 2023 nitong
Sabado, Hulyo 22.
Tampok sa GMA Gala ang mga Kapuso at Kapamilya Stars suot
ang kani-kanilang naggagandahang kasuotan kaugnay sa temang modern
architecture.
Mula kay Kylie Padilla hanggang kay Michelle Dee, naging
agaw-pansin ang kanilang ganda na lumitaw sa nasabing aktibidad.
KYLIE PADILLA
‘Enchanting like a goddess’ kung ilarawan ang kagandahan
ni Kylie Padilla sa suot nito kung saan inspirasyon ng aktres ang patok na
fantasy series na ‘Encantadia’. Ang nasabing gown ay gawa ni Ehrran Montoya na
isang off-shoulder sleeves at mayroong hanggang hita na taas ng slit. Pinalamutian
din ito ng mga beads na nagpakinang sa damit.
GABBI GARCIA
![]() |
Photo Courtesy from Preview |
Isa pang ‘Encantadia Star’ ang naging agaw-pansin sa
madla sa suot nitong white stringe ni Martin Bautista. Ang 24-anyos na si Gabbi
Garcia ay walang takot na nagpakita ng kanyang kaseksihan kumpara sa nakaraang
gala. Tampok sa overall look ng aktres ang ma-ala sirenang style ng curls sa
suot nitong gown.
HEART EVANGELISTA
![]() |
Photo Courtesy from PEP.PH |
Inabot ng limang buwan ang ginugol upang matapos ang couture
piece na gown na suot ng isang fashion icon at socialite na si Heart
Evangelista. Sa kanyang red carpet interview, ikinukonsidera nitong ang kanyang
suot ay isang kayamanan mula sa isa sa kanyang mga paglalakbay para sa Fashion
Week.
VICE GANDA
Isa sa mga inaabangan ang paglitaw ng It’s Showtime host
na si Vice Ganda sa GMA Gala 2023 sa pagsasanib ng Kapamilya at Kapuso stars
magmula nang lumipat ang sikat na noontime show sa GTV.
Hindi rin papakabog ang Unkabogable Star sa kanyang
lavish Neric Beltran gown na tinernuhan ng isang kamangha-manghang putting feather
coat.
ANNE CURTIS
Hindi rin papahuli ang isa pang It’s Showtime host na si
Anne Curtis sa kanyang simple at eleganteng suot na Saint Laurent number. Naging
inspirasyon ng aktres ang hairstyle ng Hollywood star na si Audfrey Hepburn.
WINWYN MARQUEZ
![]() |
Photo Courtesy from PEP.PH |
‘Barbie Vibes’, paglalarawan sa suot ng Reina
Hispanoamericana 2017 titleholder na si Winwyn Marquez. Naging agaw-pansin rin
ang beauty queen nang ito’y sumalang sa red-carpet ng gala sa kanyang hot pink
at black gown.
MEGAN YOUNG
Hindi naman papahuli ang Miss World 2013 na si Megan
Young sa suot nitong Francis Librian gown kasama ang asawang si Mikael Daez.
Ipinahayag ni Megan na pinili nitong iwan ang kanyang karaniwang “beauty
queen-style at cinched waist look” para sa pagbabago.
MICHELLE DEE
Isa pang beauty queen ang umagaw sa spotlight sa GMA Gala
2023, walang iba kundi ang Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee.
Lumitaw ang kakaibang ganda ng Pilipina sa suot niong gold Mark Bumgarner
creation na nagrerepresenta ng kapangyarihan, class at elegante.
0 Comments