13-ANYOS NA DALAGITA, MAGIGING KAUNA-UNAHANG FILIPINA NA SANTA

File photo of Niña Ruiz-Abad. DIOCESE OF LAOAG

 

13-ANYOS NA DALAGITA, MAGIGING KAUNA-UNAHANG FILIPINA NA SANTA

Ni Sam Zaulda

Posibleng gagawing Santa ang isang 13-anyos na dalagita mula sa Quezon City matapos aprubahan ng mga obispo ng Diocese of Kalibo ang aplikasyon nito sa Roma. 

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), kinilala ang dalagitang Pinay na si Niña Ruiz-Abad na taga-Quezon City ngunit ito’y lumipat sa Sarrat, Ilocos Norte noong 1988. 

Bagama’t pumanaw na noong 1993 si Ruiz-Abad, nag-iwan naman ito ng nakakaantig na alaala sa buhay ng tao dahil sa kanyang matinding pananampalataya at debosyon sa Eukaristiya. 

Ginugol ng dalaga ang kaniyang buhay sa pamamahagi ng mga rosayo, Bibliya, prayer books, mga banal na imahe at iba pang gamit na relihiyoso. 

Nang maaprubahan ng obispo ang hiling ni Bishop Mayugba, sinimulan nang isinagawa ang opisyal na imbestigasyon sa naging buhay ni Ruiz-Abad na kadalasang inaabot ng taon bago maglabas ng desisyon ang Roma kaugnay ng kaniyang beatification at canonization. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng CBCP, lumalabas na si Abad ay anak ng mag-asawang abogado mula sa Sarrat, Ilocos Norte. Nagtapos itong Top 1 sa elementarya at ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa sekondarya sa Mariano Marcos State University Laboratory School. 

Sa hindi inaasahang pangyayari, inatake sa puso si Ruiz-Abad habang ito’y nasa paaralan na naging dahilan ng kaniyang maagang pagpanaw. 

Samantala, ipinahayag ni bishop Mayugba na si Ruiz-Abad ay isang magandang modelo ng kabanalan at katatagan ng loob para sa ngayong henerasyon ng kabataan.

 





Post a Comment

0 Comments

Search This Blog