BAGYONG ‘EGAY’, MALAPIT NANG
MAGING GANAP NA SEVERE TROPICAL STORM
Mas lalo pang lumakas ang bagyong Egay na inaasahang magiging ganap nang severe tropical storm, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Mula sa pinakabagong inilabas
na bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 750 kilometro sa
silangan ng Daet, Camarines Norte.
Napanatili naman ng bagyo
ang hanging umaabot sa 85 kph at pagbugsong 105 kilometers per hour habang
kasalukuyan itong gumagalaw pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 kph.
Sa kabila nito, wala pang
naitalang Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA sa anumang lugar sa bansa
dahil sa bagyo.
Subalit, sinabi ni weather
specialist Daniel James Villamil na nakakaranas na ng pag-uulan na dala ng
habagat sa silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Northeastern Mindanao.
Inaasahan namang aabot umano ang bagyo sa typhoon category sa loob ng 24 oras at posibleng maging isang super typhoon sa darating na Martes, Hulyo 25. /Sam Zaulda
0 Comments