MAHIGIT P1.5B AGRI DAMAGE DAHIL SA BAGYONG EGAY, NAILISTA-DA
Mahigit P1.5 bilyon ang iniwang pinsala sa agrikultura ng Bagyong Egay, ayon sa DA-Regional Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).
Lumabas sa report na tumaas ang bilang ng mga naapektuhang magsasaka at mangingisda, kung saan marami ang napinsala sa plantasyon ng bigas, mais at iba pang high-value crops, livestock at poultry, at palaisdaan na may volume production loss na 66,075 metriko tonelada, sumasaklaw sa 110,086 ektarya ng agricultural land.
Kaugnay dito, ipinasiguro naman ng DA na patuloy nilang ina-assess ang epekto ng bagyong Egay sa sektor ng pananim at palaisdaan at nakipag-ugnayan na sa local government units (LGUs) at iba pang DRRM-related offices.
Samantala, kabilang naman sa resources/assistance packages
na ginawang accessible ng DA sa mga apektadong magsasaka at mangingisda ang
“111,873 bags of rice seeds; 14,426 bags of corn seeds and 2,582 kilograms of
assorted vegetable seeds; drugs and biologics for livestock and poultry;
fingerlings assistance to affected fisherfolk, survival and recovery (SURE)
Loan Program; P500 million worth of Quick Response Fund (QRF) for
rehabilitating affected areas.” /
0 Comments