“IN FRONT OF THE PEOPLE WE
LOVE…, WE DECIDED ON FOREVER.” – BEA ALONZO
Tuloy na tuloy na ang inaasam
na kasal ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominique Roque matapos sinorpresa
ng dalawa ang kanilang mga tagahanga sa ginawang proposal ni Dominique.
Sa isang Instagram post ni
Bea, masaya nitong ibinahagi ang ilang mga larawan nito mula sa nangyaring
sopresang proposal ng kanyang kasintahan na si Dominique.
Aniya pa, hindi nito
inaasahan ang ginawang proposal ni Dominique habang ito’y nasa isang photoshoot
lalo na’t marami na itong ginawang eksena na wedding proposal.
“I want this real thing to
happen forever… and right then there… In front of the people we love… we decided
on forever..,” ani ng aktres.
Matatandaang nabanggit ni
Bea sa Fast Talk with Boy Abunda ang plano nilang magkasintahan sa pagbuo ng
sariling pamilya ngunit idinadaan lamang nila ito sa biro.
Samantala, bumuhos naman ang
mga pagbati at pagkagalak ng mga kaibigan nina Bea at Dominic sa kanilang wedding
engagement announcement.
Ni Sam Zaulda
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmeña Ave. Kalibo, Aklan.
👉Maaari ring umorder thru shopee
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments