73-ANYOS NA LALAKI SA LAPU-LAPU CITY, TULI NA; P20,000, NAIUWI

 


‘BINATA NA SI TATANG’

Ito ang naging komento ng ilang netizens matapos ibahagi ang larawan ng isang 73-anyos na kumasa sa hamon ni Lapu-Lapu City Mayor Junard "Ahong" Chan na magpatuli.

Batay sa post, kinilala ang 73-anyos na si Tatay Mado na taga-Zone Pansat, Brgy. Calawisan, Lapu-Lapu City.

Lumahok si Tatay Mado sa programa ng alkalde na libreng patuli at nag-uwi pa ng hindi lang P10,000 kundi P20,000 dahil sa ito’y senior citizen na.

Maliban kay tatay Mado, nauna nang nakatanggap ng tig-P10,000 ang tatlong lalaki makaraang sumailim sa tuli. /SAM ZAULDA


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog