“SPACE FLOWER”, PINATUBO SA SPACE GARDEN

Photos from NASA

 


“SPACE FLOWER”, PINATUBO SA SPACE GARDEN


Ni Sam Zaulda


Nakakabilib ang tumubong zinnia flower na itinanim sa space garden bilang bahagi ng Veggie facility sa International Space Station (ISS).

Batay sa ibinahaging Instagram post ng NASA, makikita ang nakakamanghang pagtubo ng isang bulaklak na lumaki sa orbit kung saan halos ilang dekada na itong pinag-aaralan ng mga dalubhasa.

Subalit, ang naturang eksperimento ay nagsimula noong 2015 na pinamunuan ni NASA astronaut Kjell Lindgren.

Ani ng NASA na ang space garden ay binuo para matutunan kung paano ma-develop ang mga halaman sa orbit, gayundin makakatulong ito na maintindihan kung paano ito tutubo sa labas ng mundo upang magkaroon ng lehitimong mapagkukunan ng mga sariwang pagkain habang nasa isang misyon sa Moon, Mars at iba pa.

Bukod sa bulaklak, nagtanim din ang NASA astronauts ng lettuce, kamatis, at chile pepper sa ISS.


Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#MIGHTYCEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refendor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog