![]() |
| Photos from AllKpop |
ORGANS NI PARK SOO RYUN, NAIS
I-DONATE NG KANYANG PAMILYA
Ni Sam Zaulda
Nagpasya ang mga magulang ni
Park Soo Ryun na i-donate ang mga organs ng kanilang anak matapos itong masawi mula
sa isang trahedya.
Ayon sa ulat ng Soompi, pagkahulog
umano sa hagdan ang naging dahilan ng pagkamatay ng 29-anyos na South Korean
actress.
Pahayag naman ng ina nito na
tanging ang utak lamang ni Soo Ryun ang walang malay at humihinga pa rin ang
puso nito kung kaya’t napagdesisyunan nilang i-donate ang organs nito lalo na’t
may mas nangangailangan nito.
Dagdag pa nito, bilang mga
magulang ng aktres ay mas makakapamuhay sila ng matiwasay kung ang puso nito’y ligtas
at patuloy na tumitibok sa ibang tao.
Nabatid, unang nag-umpisa
ang karera ni Park Soo Ryun sa creative musical na “Il Tenore” noong 2018 hanggang
sa nagkaroon ito ng exposure sa South Korean drama na “Snowdrop," kasama
ang Blackpink member na sina Jisoo at Jung Hae In.
Ang bahaging ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#MIGHTYCEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refendor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments