100% NO POWER INTERRUPTION SA ISLA NG PANAY, HINDI TIYAK AYON SA DOE
Ni John Ronald Guarin
Inamin ni Department of Energy
(DOE) Secretary Atty. Raphael Perpetuo M. Lotilla na hindi sila makatitiyak sa 100
percent no power interruption sa isla ng Panay.
Sa naganap na press
conference nitong Hunyo 12 ng umaga, sinabi ni Lotilla na kung matatapos ang
upgrade ng transmission line sa Agosto na kumokonekta sa Negros at Cebu, mas
mapapaganda ang sitwasyon ng Panay pero kung sasabihin na walang brownout,
hindi pa umano ito kayang gawin ng DOE ngunit isasama na nila ito sa plano.
"Kon matapos naton
ang upgrade sang transmission wires mas maayo gawa ang sitwasyon naton in terms
of energy security but as for ensuring that there will be 100 percent no power
interruption that is still down the road, but that remains our goal kay bal-an
mo damo man ang appliances nga nagakalaguba, ang mga plants nagakalaguba sa
saka-panaog sang kuryente or when they are not available," pahayag ni hambal
ni Lotillla sa naganap na press conference.

0 Comments