RESOLUSYON NA NAGNANAIS NA MABIGYANG ATENSYON ANG MGA ESTUDYANTE NA NAKAKARANAS NG DEPRESYON, ISINUSULONG SA KALIBO


 

RESOLUSYON NA NAGNANAIS NA MABIGYANG ATENSYON ANG MGA ESTUDYANTE NA NAKAKARANAS NG DEPRESYON, ISINUSULONG SA KALIBO

  

Isinusulong ngayon sa LGU Kalibo ang isang resolusyon na nagtutulak sa pag-organisa ng Inter-Agency Awareness Program for Mental Health of Students sa mga paaralan. 

Sa programang Foro De Los Pueblos, sinabi ni Kalibo SB Member Augusto Tolentino na sa pamamagitan ng mga School Heads at Guidance Counseling Units ng DEPED-Kalibo, maisasagawa ang naturang hakbang upang matulungan ang mga estudyanteng nakakaranas ng karamdaman sa emosyonal na aspeto katulad ng depresyon. 

Aniya, posibleng magtulak sa hindi magandang gawain tulad ng pagpapakamatay at iba pang krimen ang emosyonal at mental na karamdaman nitong mga estudyante lalo’t hindi ito nabibigyan ng pagkakataon na mapag-usapan. 

Dahil dito, dapat aniya na mapalakas ang koordinasyon ng eskwelahan sa LGU Kalibo, Kalibo Municipal Police Station at iba pang Religious Groups para sa planong mapigil ang mga insidente ng pagpakamatay sa mga kabataan. 

Samantala,naniniwala din aniya ito na malaki ang papel na ginagampanan ng eskwelahan sa mga estudyante sa pagbibigay ng paalala kung ano ang mga maling gawain na dapat nilang iwasan.


//Teresa Iguid

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng: 

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#MIGHTYCEE

#DTXCOFFEEMIX 

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan. 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog