PAGSIMBA BAGO ANG OUTING SA KAPISTAHAN NI SAN JUAN,
IPINAALALA NI FR. TUDD BELANDRES
Pinaalalahanan ni Fr. Tudd Belandres ng St. John The Baptist Cathedral ang publiko, na unahin munang mag-simba bago isagawa ang iba’t-ibang aktibidad o outing sa selebrasyon ng kapistahan ni San Juan de Bautista sa Hunyo 24.
Ito ang kaniyang sinabi sa programang Foro Delos Pueblos kasabay ng naging pahayag nito na handa na ang simbahang katolika para sa nasabing okasyon.
Aniya ang totoong paggunita sa kapistahan ni Sr. San Juan ay ang pagpapakita ng pananampalataya at hindi lamang sa pamamagitan ng mga nakagawiang aktibidad tulad ng pagligo sa mga baybayin.
Kaugnay dito, sinabi rin ng Parish Moderator na simula pa noong June-14 ay nagkaroon na sila ng mga aktibidad sa simbahan tulad ng novena masses and prayers.
Habang sa bisperas naman ng kapistahan, bukas, Hunyo 23 sa alas-9:00 ng umaga ay magkakaroon ng tradisyonal mobile procession sa mga baryo sa bayan ng Kalibo kasama ang imahen ni San Juan at ang pagsasagawa ng pag-bendisyon sa mga tao, kung kaya’t inaanyayahan diin nito ang lahat na mag-abang.
Nakatakda namang magkaroon ng scheduled masses sa mismong araw ng kapistahan sa June, 24.
Samantala, umapela rin ito sa lahat na panatilihin ang
kaligtasan sa gitna ng mga kasiyahan para sa nasabing selebrasyon ng
kapistahan.
Ni Teresa Iguid
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#MIGHTYCEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments